UP Diliman Arts and Culture Festival 2024: Pamamalagi at Pamamahagi
Bilang paggunita sa ika-75 taon ng paglipat ng Oblasyon mula Lungsod ng Maynila patungong Diliman, Lungsod ng Quezon, inihahandog ng UP Diliman Office for Initiatives in Culture and the Arts (UPD-OICA) ang UP Diliman Arts and Culture Festival (DACF) 2024 na may temang, “Pamamalagi at Pamamahagi.”
Makalipas ang pito’t kalahating dekada, nananatili at nagpapatuloy ang ating mabungang pamamalagi sa kampus, ang tahanan ng mga may layang mag-isip, lumikha, at bumalikwas sa paninikil ng karapatan. Dahil dito, malaya rin nating naipamamahagi ng kaalaman at kasanayan alang-alang sa ikabubuti ng sambayanan.
Tingnan sa poster ang mga programang inihanda ng UPD OICA kasama ang iba’t ibang yunit sa UP Diliman at UP Manila.
Para sa karagdagang impormasyon, pumunta lamang sa https://bit.ly/UPDACF2024 o i-scan ang QR code. Maaari ring makipag-ugnayan sa amin sa opisyal na FB page ng UPD-OICA o mag-email sa specialprojects_oica.upd@up.edu.ph. Kita-kits!