![]() (From left to right) College of Architecture (CA) Dean Mary Ann Espina, Rep. Fatima Aliah Dimaporo, House Speaker Feliciano Belmonte Jr., UPD Chancellor Caesar A. Saloma, Vice Chancellor for Academic Affairs Ronald S. Banzon, UPD Campus Architect Gerard Rey A. Lico and OIC District Engineer Ramon P. Devanadera of DPWH-Quezon City Second District at the UPCA Mindanao Auditorium groundbreaking ceremony on June 26.
Article from UPDate Online - Diliman: (June 27)--Groundbreaking ceremonies for the construction of the UP College of Architecture’s (CA) Mindanao Auditorium (MA) were held on June 26 at the Architecture Complex (AC). The ceremony came six months after the college received a donation of some P40-million from Rep. Fatima Aliah Dimaporo of Lanao del Norte’s 2nd district. Dimaporo said the groundbreaking marked the first phase of the construction of the new auditorium, which she regarded as “a symbol of modern architecture, of the modernized culture, of the modern Filipino.” Among the guests were House Speaker Feliciano Belmonte Jr. and Officer-in-Charge District Engineer Ramon P. Devanadera of the DPWH (Department of Public Works and Highways) Quezon City Second District Engineering Office. ![]() (Center, seated) Rep. Fatima Aliah Dimaporo pose for posterity, together with UP officials (from left to right) UPD Campus Architect Gerard Rey A. Lico, UPD Chancellor Caesar A. Saloma, UP College of Architecture (UPCA) Dean Mary Ann Espina, Vice Chancellor for Academic Affairs Ronald S. Banzon; (standing) and the UPCA faculty members.
Present were UP officials Assistant Vice President for Development Cristopher Stonewall P. Espina, UPD Chancellor Caesar A. Saloma, Vice Chancellor for Academic Affairs Ronald S. Banzon, UPD Campus Architect Gerard Rey A. Lico, the CA faculty, staff and students.
Located behind CA’s Architecture Building I, the MA includes a 413-seat main theater which will be used for the College’s various events. It is expected to be finished by the second quarter of 2014. At the program, CA Dean Mary Ann Espina explained that the MA is inspired by Islamic Architecture. Among its features are wind catchers which will serve as ventilation systems, patterns on the acoustical wall which will echo Vinta colors and the word ARKI spelled out in alibata using mounted steel letters at the building façade. During the ceremony, a time capsule containing the blueprints of the new auditorium was buried at the construction site. —H.C.P. Dear All,
For your guidance please.
Thank you very much. - from the Office of the University Registrar ![]() Sa ating mga kagalang-galang na panauhin, Miss Maria Christina Lejano-Velasco, Assistant Vice-President of Planning ng Metropolitan Manila Development Authority, Misis Elvira Ong-Chan, Executive Vice-president ng Metrobank Foundation, Incorporated, Arkitek Edwin Gumila, presidente ng College of Architecture Alumni Foundation, sa ating dekana Propesor Mary Ann Espina, sa ating kalihim Propesor Emilio Ozaeta, sa ating dakilang kagawaran, sa mahal nating mga bisita, at sa mga kapwa-magtatapos, isang magandang umaga sa lahat. Isang mapalad na pagkakataon ang humarap sa inyo at magtalumpati bilang kinatawan ng mga magtatapos mula sa klase ng kolehiyo ng arkitektura para sa taong ito. Nakakapagpakumbaba ang karanasan na ito dahil ni minsan sa aking inilagi sa loob ng kolehiyo, hindi ko inisip na ako ay natatangi, naiiba, o nakakataas sa lupon ng mga magtatapos. Bagkus, isa lamang akong karaniwang mag-aaral na ang layunin ay makatapos ng kolehiyo upang maging isang arkitekto. Ang paglapit sa ating hangad na maging isang arkitekto ay utang natin sa mga leksyon na ating natutunan sa kolehiyo. Isa ang nais ‘kong bigyang-diin ngayong umaga. Marami sa ating mga guro ang may pang-aral na ang tagumpay ng isang plano ay makikita sa pagdesenyo ng mga detalye. Sa pagdesenyo ng mga imprastruktura, ang turo sa atin ay siguraduhin na sapat at malakas ang mga pundasyon. Sa pagpili ng mga halaman, ang turo sa atin ay siguraduhin na angkop ang kapaligiran upang lumago ang mga ito. Kaya naman sa mga proyekto natin, ang isa sa mga pagsubok na ating pinagdadaanan ay ang pagsasaisip ng tamang timpla ng matiryales gaya ng konkreto at bakal, o ang paglalarawan sa kahihinatnan ng mga halaman sa paglipas ng ilang dekada. Tayong mga mag-aaral ay madalas na hinahamon ng ating mga guro sa bawa’t pagharap at pag-ulat sa ating mga disenyo ng mga tanong na ito – “maitatayo ba yan?” para sa mga imprastraktura at “mabubuhay ba yan?” para sa mga halaman. Nakakagalak ang mga pagkakataon na nakangiti ang ating mga guro sa pagbasa ng mga plano at detalye na lubos nating pinaghirapan. Sa mga pakakataon naman na napapakunot ang kanilang mga nuo sabay kamot ng ulo, ayos lang; gawa lang nang gawa. Aking napagtanto na ang mga tanong na ito mula sa ating mga guro ay mga tanong na maaaring gamitin sa pagsuri sa ating pag-unlad patungo sa paggigng mga arkitekto ng bayan. Ang mga karanasan natin sa kolehiyo – sa loob at labas ng silid aralan, akademiko at di-akademiko, ay ang sagot sa pagsusuri natin sa ating mga sarili bilang magtatapos. “Makakatayo ba ang mga magtatapos paglabas nila sa institusyon na ito?” “Kaya ba nila ang bigat na ipapatong sa kanilang mga balikat sa kanilang ganap na pagsasarili?” “Lalago ba ang mga magtatapos paglabas nila sa institusyon na ito kahit sa mga araw na hindi maganda ang panahon?” Mga kapwa-magtatapos, isa lamang ang ating sagot dito. Walang iba kung hindi, “Oo”. Naniniwala ako na kaya nating maging matatag at mamunga paglabas sa kolehiyo ng arkitektura. Kung hindi, sigurado ako na wala tayo rito sa okasyon na ito. Ang ating mga guro ay hindi tayo hahayaan na magmartsya kung wala silang tiwala sa ating kakayanang sila rin ang naghasa para ating gamitin paglabas sa bakod ng unibersidad. Ngayong umaga, wala tayong makikitang mga nakakunot ang nuo o di kaya mga nagkakamot ng ulo sa kanila; mga ngiti lamang nila ang babati sa atin. Kaakibat ng tagumpay na ito, naniniwala rin ako na marami tayong dapat pasalamatan. Sa ating mga guro para sa walang-sawang paghimok sa atin na ibigay ang lahat ng ating makakaya – ang inyong tiyaga at pagabay ay ang dahilan kung bakit kami mahusay na mga mag-aaral, maraming salamat. Sa kolehiyo ng arkitektura, sa pagbigay sa amin ng pansamantalang tahanan sa loob ng unibersidad – naramdaman namin sa aming mailking pamamalagi, ang pagmamahal at pag-aaruga ng isang ina sa kanyang anak, maraming salamat. Sa klase ng kolehiyo ng arkitektura para sa taong dalawang libo at labintatlo, ang pagkakaibigan at kapatiran na nabuo natin sa loob ng institusyon na ito ay malaking bagay sa paglagpas sa lunkot at ligaya ng buhay mag-aaral. Sa wakas ay magtatapos narin tayo at sa pagharap natin sa mga magiging kaganapan sa ating mga buhay, umasa tayo na ang ating pasasama ay lalo lamang lalakas. Sa ating mga pamilya ang sakripisyo niyo para maipagpatapos kami sa kolehiyo habang buong sipag naming binubuhos ang aming lakas sa mga gawaing kailangan tuparin sa paaralan, at sa walang pasubaling pagmamahal sa panahon ng aming hirap at ginhawa ang nagsilbing inspirasyon para amin, maraming salamat. At higit sa lahat, sa puong may kapal, lahat ng mga talento at abilidad ay utang naming sa iyo, maraming salamat. Panubayan niyo po kami sa patuloy na paggamit ng mga ito para sa kabutihan. Ang pagdating naming mga magtatapos sa puntong ito ay tagumpay na hindi namin makakamit kung wala kayo. Ngayon, ang klase ng kolehiyo ng arkitektura para sa taong dalawang libo at labintatlo ay kumpletong produkto ng institusyon na ito. Nagampanan na natin ang ating pangunahing tungkulin bilang isang Iskolar ng Bayan – iyon ay magtapos. Ang natitirang tungkulin para sa atin ay ang gantihan ng kabutihan ang UP Naming Mahal sa lahat ng natanggap natin mula sa kaniya. Balang-araw, sa ating sariling mga pamamaraan, babayaran din natin ang kolehiyo at unibersidad. Nagtitiwala ako sa ating mga pundasyong binuo at pinagpatipbay sa loob ng paaralan na kaya nating tumayong tuwid at matatag para asahan ng ilang henerasyon. Nagtitiwala ako sa ating mga ugat na inalagaan at inaruga sa mga lupang ito ng kolehiyo para palutoy na lumaki, magbigay bulaklak at bunga para sa kapakanan ng ilang henerasyon. Sa mga panahon ng pagsubok, ‘wag mag-alala, tandaan niyo lamang ang araw na ito kung kalian matatag tayong nakatayo habang suot natin ang mga sablay na ito, sagisag sa pagpapatuloy natin sa mga pangarap na nasimulan sa unibersidad. Itong takdang araw ay ang wakas ng buhay natin bilang mga mag-aaral ng kolehiyo, at mula sa araw na ito, tatayo tayong handa sa mga bagong pagkakataon at pagsubok na darating sa buhay. Bilang produkto ng Unibersidad ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arkitektura, lagi nating tandaan na ang mga pundasyon at ugat na utang natin sa paaralan ay hindi kailanman mabibigo dahil ang mga katagang, kagitingan at kahusayan ang bumubuo rito. Mabuhay ang mga magtatapos klaseng dalawanglibo at labintatlo ng kolehiyo ng arkitektura! |
UPCA ExtensionWelcome to UPCA's Extension Program - Blog. You will find here the latest news, events and projects of the College. Archives
September 2018
Categories
All
|